Tungkol sa Distrito ng Hangin

Accessibility at Laban sa Pandidiskrimina

Updated 12/8/2025

Ang Distrito ng Hangin ay hindi nandidiskrimina batay sa lahi, bansang pinagmulan, kinikilalang pangkat etniko, ninuno, relihiyon, edad, kasarian, sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian, ipinapahayag na kasarian, kulay, impormasyong ng genetics, medikal na kondisyon, kapansanan sa pag-iisip o pisikal, o iba pang katangian o paniniwalang pinoprotektahan ng batas.

New 12/8/2025

Access para sa May Kapansanan

Bilang bahagi ng mga kasalukuyang pagsisikap ng komunidad sa pakikipag-ugnayan at ng mga pagsisikap sa pagsunod sa mga karapatang sibil ng Distrito ng Hangin, na-update ng Distrito ng Hangin ang Plano ng Access para sa May Kapansanan nito. Nagsara ang panahon para sa pampublikong komento ng dokumentong ito noong 2023.

Accessibility

Patakaran ng Distrito ng Hangin na magbigay ng makatarungan at patas na access sa mga benepisyo ng isang programa o aktibidad na pinapangasiwaan ng ahensya. Hindi papayagan ng Distrito ng Hangin ang pandidiskrimina, panliligalig, o paghihiganti sa sinumang naglalayong makibahagi sa, o matanggap ang mga benepisyo ng, anumang programa o aktibidad na ibinibigay o isinasagawa nito. Ang mga miyembro ng publiko na naniniwalang pinagkaitan sila ng ganap at patas na access sa isang programa o aktibidad ng Distrito ng Hangin, nang labag sa batas, ay maaaring maghain ng reklamo ng diskriminasyon sa Distrito ng Hangin sa ilalim ng patakarang ito. Naaangkop din ang patakarang ito laban sa diskriminasyon sa iba pang tao o ga entidad na nauugnay sa Distrito ng Hangin, pati sa mga contractor o grantee na ginagamit ng Distrito ng Hangin para maghatid ng mga benepisyo at serbisyo sa mga miyembro ng publiko.

Ang Distrito ng Hangin ay magbibigay ng mga karagdagang tulong at serbisyo na kabibilangan ng, halimbawa, mga kwalipikadong interpreter at/o device para sa pakikinig, sa mga indibidwal na hindi nakakarinig o nahihirapang makarinig, at sa iba pang indibidwal kung kinakailangan upang matiyak na may epektibong komunikasyon at patas na pagkakataong ganap na makibahagi sa mga benepisyo, aktibidad, programa, at serbisyo ng Distrito ng Hangin, sa napapanahong paraan para maprotektahan ang privacy at pagiging alaya ng indibidwal. Mangyaring kontakin ang Non-Discrimination Coordinator na tinukoy sa ibaba hindi bababa sa tatlong araw bago ang isang pakikipagpulong para magawa ang mga kinakailangang arrangement.

May mga accommodation din na nauugnay sa kapansanan na gagawing available para mabigyang-daan ang pakikibahagi sa mga meeting ng Distrito ng Hangin. Dapat hilingin ang anumang accommodation sa lalong madaling panahon. Pagbibigyan ang mga kahilingan maliban na lang kung magreresulta ang pag-accommodate sa isang malaking pagbabago o hindi makatuwirang pasanin sa organisasyon.

Paano Humiling ng Accommodation

Mangyaring kontakin ang staff liaison para sa pagpupulong kung saan mo gustong makibahagi o sa Coordinator Laban sa Diskriminasyon ng Distrito ng Hangin. Mangyaring idetalye ang partikular na accommodation na kinakailangan, ang pagpupulong kung saan mo gustong sumali, at ang petsa at lokasyon ng pagpupulong.

Maaari mo ring kontakin ang Linya ng Access para sa May Kapansanan ng Distrito ng Hangin sa 415.749.4951 para sa anumang tanong at alalahanin o para sa tulong sa paghiling ng accommodation.

Kung naniniwala ka na nadiskrimina ka kaugnay sa isang programa o aktibidad ng Distrito ng Hangin, maaari mong kontakin ang Non-Discrimination Coordinator na tinukoy sa ibaba at sumangguni sa patakaran Laban sa Diskriminasyon para malaman kung paano at saan maghahain ng reklamo ng diskriminasyon.

New 12/8/2025
 
 
Non-Discrimination Coordinator
 
 
Diana Ruiz
Acting Director of Environmental Justice Division
 
 
Bay Area Air District
375 Beale St., Ste. 600
San Francisco, CA 94105
 
 
 
415.749.8840
 
 
 
docked-alert-title

Last Updated: 12/8/2025